Camela’s 8-Year Journey of Faith and Perseverance

by Right Start Staff

September 18, 2025

rs post suhaytagumpaygraduates01

Camela’s journey with Right Start began in Grade 8 back in 2016, a moment of profound relief knowing the Educational Assistance (EA) would help provide for her schooling when her parents couldn’t fully support her needs. Despite the financial struggles at home and the challenges of the pandemic—which nearly derailed her studies as an online student without a laptop—Camela never lost hope. Driven by her goal to make her parents proud and sustained by her faith in God, she focused relentlessly on her studies, determined to conquer every obstacle that came her way.

Hi I’m Camela Miles Alcontin former EA kakagraduate ko lang this year August 3, 2024. Unang sali ko sa Right Start bilang EA noong 2016 Grade 8 sobrang saya ko nun kasi kahit papano ay may magpprovide na sa aking pag aaral dahil hindi din kami masuportahan ng parents ko masyado noong G8-G12. Hindi din stable at hindi din ganun kalaki sahod ni Papa and si Mama naman ay housewife. Kaya kahit gaano kahirap kailangan magsumikap at mag aral ng mabuti.


Kaya nagdouble talaga ako sa goal ko kasi gusto ko maging proud sila Mama sakin. And then yun hanggang sa naging College na ko. Ang daming challenges na dumadating lalo na nung pandemic kasi hindi ko alam kong itutuloy ko pa ba o hihingi pag aaral ko kasi mahirap ang mag online class lalo na kung wala gamit kagaya ng laptop and computer. Nabbreakdown ako ng malala pero hindi ako nawalan ng hope at tiwala sa aking sarili at laging kung isipin is “Kaya ko to” and lagi nakatatak sa isip ko tong verse nato yung Psalm 3:5, “I lie down and sleep; I wake again, because the LORD sustains me.” Then we faced another problem, kahit gaano pa kadami yan tulungan padin si Lord. Alam niya ang nakabubuti para sa atin. Because he loves us. God will still aid sa kahit anong sitwasyon kasi ganun nya tayo kamahal.


Sobrang nagpapasalamat ako kay God kasi naniwala siya at hindi niya ako pinabayaan sa mga pagsubok and maraming salamat din sa Right Start kasi pinagkatiwalaan nila ako kaya eto na at makakapagtapos ako ng pag aaral. Salamat dahil binigyan niyo po ako ng opportunity na maging part ng EA ng Right Start. Naging tulong po pag aaral ko simula nung Grade 8 hanggang sa magtapos ako ng College sobrang maraming salamat po. Sa mga staff ng Right Start Kuya Ding, Ate Anabel, Ate Acel, Ate Jhen, Sir James, Teacher Pau, Ate Naz and Ate Alfie sa walang sawang pag guide at pag turo niyo sa amin.


Nagpapasalamat din ako sa mga ka-EA na kasama ko through ups and downs sa activities and experiences sobrang solid niyo kasama. Kaya ang maipapayo ko lang sa mga recent EA ngayon na kaya niyo yan tiwala lang hanggat may pag aral at magpapaaral wag kayong mapapagod mag aral wag nyo sayangin yung binigay nilang chance para sa inyo para maabot niyo mga pangarap niyo sa buhay at kahit na sa kakapressure at super hirap ihandle lahat ng expectations pero, you need to find a bit of positivity para maabot yung mga pangarap natin sa buhay para hindi tayo mapagod at para masurvive natin at maconquer lahat lahat.
Suhay Tagumpay Camela AlcontinCamela
Bachelor of Science in Office Administration, Rizal Technological University

More Stories of Hope

Your Talent Can Transform Lives

Whether it's teaching, mentoring, sharing professional expertise, or simply offering encouragement. Every volunteer can make a lasting impact.

Help build our nation's future
Build a meaningful community
Make a lasting difference

Your Giving Can Transform Lives

Whether it's sponsoring a schoolbag, funding tuition, supporting creative programs, or covering daily meals. Every donation creates opportunities for children to discover their potential and build brighter futures.